2

Grateful

This is the speech my sister presented during our Lola's funeral:
In behalf of our family, we want to say that we are truly grateful for the support you have given us in this time of grieving.

Nanay Metring has been the matriarch of the whole Titular family. Not only Titular, but her whole relatives. People value her opinion. Lahat ginagalang ang sinasabi niya. She may be strict, matapang, conservative and frank but she does it with love. Tunay na mapagmahal siya, at pinapakita niya iyon sa iba’t ibang paraan.

Each and everyone of us has touching and funny stories to tell about her. If there’s one thing that we remember about her—they are her stories. We all value her stories.

She loves everyone close to her. She gets easily affected. She even thinks about her boarders. If she’s so concerned with other people, what more when it comes to her offsprings.

Paladasal siya. Kaya naman siguro umabot siya sa ganyang edad. She has a strong will to live. Her doctor even told us in one of those times that she was hospitalized that it seemed that she was not ready to die. Because she still wanted to see her family secure. Nakwento nga niya nung nag-agaw buhay siya noon na sinusundo na siya ng Mamay, pero hindi pa siya sumama. Ayaw pa raw niya.

She is an excellent judge of character. Unang tingin pa lang niya alam na niya.
Masipag siya.

She is also quite vain. Palaging nakapostura. Di iyan umaalis ng bahay o humaharap sa tao ng basta na. Kaya nung siyay binawian na ng buhay, dali-dali kong pinahanap ang pustiso niya dahil bilin niya na isuot ang pustiso niya kapag siyay namatay dahil ayaw daw niyang mamatay ng bungal.

Siya ang puntahan tuwing Pasko, piyesta, at sa tuwing umuuwi ang mga tao sa Sabang. At ngayon, siguradong maninibago ang lahat. Napakagaling makisama kaya’t parating puno ng bisita ang bahay nila. Napakamatulungin din niya. Bukas ang bahay niya sa mga taong nangangailangan. Ilan na nga ba ang mga taong sandaling nanuluyan sa bahay nila.

Siguro kung tatanungin ang Nanay, ang gusto niyang ipagpatuloy ay ang pagbubuklod ng pamilya. Ang patuloy na pagtutulungan dahil tayo ay magkakamag-anak. Dahil tayo ay magkakapamliya. Sino pa nga bang tutulong sa bawat isa kung hindi tayo-tayo lang. Sana’y maunawaan at maisagawa ito ng bawat isa sa atin. At sa iba pa naming mga kamag-anak, sana’y di dito magtapos ang ugnayan ng pamilya at magandang samahan.

At sa inyong lahat na naririto, sigurado kami na natutuwa ang Nanay sa inyong pagdamay. Sumalangit nawa ang kaluluwa niya.

She has lived a life filled with love. And with that, we will always remember you, Nanay.

2 comments:

aceychan said...

my condolences to you and your family. your lola sounds like an amazing woman.

R. said...

Will say a prayer for your grandmother Jassy. I was almost in tears reading your sister's speech. Ang bait-bait ng lola mo.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Back to Top