Minsan tinatanong ko sa sarili ko, sa mga dinami-dami ng mga bagay na humihila sa akin sa iba't ibang desisyon, sasaya pa ba kaya ako? Maiiyak ako pero pipigilin ko, takot na baka makita ako ng iba at magtaka sila.
Minsan naman sa pag-iisip ko bigla ko na lang maitatanong kung asan na ako at kung ano na ang dapat kong gawin? Kailangan bang ipagpatuloy ang plano, o gumawa ng paraan para mabago ang takbo ng mga pangyayari. Pero masasabi ko na lang na mas makakabuti kung ipagpatuloy ko ang plano ko. Na kung dati ang sagot ko ay tila di na yata ako sasaya, masasabi ko na lang na may pag-asa pa pala. Na okay lang. Na kaya ko. At kung titingnan ko kung bakit ganun na ang pakiramdam ko, iyon ay hindi dahil sa natutunan ko na siyang kalimutan at hindi mahalin, kung di natutunan niya akong mahalin at tanggapin kahit na sinasaktan ko siya.
Masuwerte ako dahil mahal pa rin niya ako. Tunay ngang mahiwaga ang pag-ibig.
Pastina Soup (aka Italian Penicillin)
8 hours ago
0 comments:
Post a Comment