Hiling

Wala naman akong hiniling para sa sarili ko kundi siya. Pero sa kung ano mang dahilan, ewan ko pero binawi siya sa akin ng Diyos.

Sa bawat araw na dumaraan, napagdadaanan ko. Pero mahirap at kalimitang masakit. Pero ano pa nga bang magagawa ko kundi ang magpatuloy.

Nangyari na ang pinakatatakutan kong mangyari sa akin. God allowed it maybe for a greater purpose.

Iniisip ko nga, kung hindi kami para sa isa't isa bakit hanggang ngayon wala pa rin akong nakikitang iba at wala pang binibigay sa akin ang Diyos na kapalit niya. Pero sa totoo lang, hindi pa rin naman tama ang panahon na makilala ko na siya. Marami pa kase akong dapat matutunan. Kailangang matuto muna ako kung paano magsaing at kung paano magplug ng tv at washing machine. Not unless siya ang magtuturo sa akin...pero hanggat hindi ko pa nasasabi sa sarili ko na buo na ako, I am willing to wait. Pero alam mo, kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon. May espesyal mang nagmamahal sa akin o wala. Nagpapasalamat ako sa mga biyaya ng Diyos sa akin. At sana kung bibigyan Niya ako ulit ng lalaking magmamahal sa akin, sana yung hindi nang-iiwan at hindi nangangaliwa. Sana yung faithful at totoong mahal ako. Pero kung hindi man ako bigyan ng Diyos, ayos lang. Basta alam ko, sa bandang huli panalo pa rin ako.
0

Butterfly

To truly love the person is to learn the art of letting go.
2

I'm With You

There's no need to talk about it. Pero marami akong natutunan, natututunan, at matututunan pa. Tama ngang maganda ang buhay kahit gaano kasakit ang mga nangyayari sa akin.

Sa buhay i natin maiiwasan na iwanan tayo ng mga mahal natin sa buhay--kamatayan, trabaho, nakahanap ng iba, mangyayari't mangyayari dahil kailangang mangyari. Hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit pero alam kong darating ang araw na mauunawaan ko rin.

Minsan kong sinubukan na tumingin sa hinaharap pero sinaraduhan ng Diyos ang bintana ng hinaharap. Hindi ko pa dapat malaman kung anong mangyayari sa akin. At kung iisipin ko--tama nga naman, makabubuting ipaubaya na lamang sa Diyos ang lahat. Pero hindi naman Niya akong iniwang walang pag-asa. Minsan pinapasilay Niya ako sa kagandahan ng buhay ko sa hinaharap--hindi lang minsan, madalas pa nga eh.

Sa pag-iisa ko ngayon, marami akong nalalaman sa sarili ko--kahinaan at kalakasan. Akala ko dati hindi ko kaya ang maaming bagay, pero nagugulat ako na nakakaya ko. Minsan may lumulutang na kalakasan sa buhay ko. Nakakatuwa. At isa ito sa mga dahilan na nagpapangiti sa akin.

Minsan iniisip kong mag-isa lang ako na walang kakampi--pero hindi naman pala. Hindi kailanman nawala ang Diyos sa aking tabi, andyan ang pamilya ko at mga kaibigan ko. At gusto kong magpasalamat sa kanila. Hindi ako mabubuhay ng matino kung wala sila. Sa pag-iisa ko, marami akong nakikitang biyaya sa akin ng Diyos.

Sa ngayon, andito pa ako sa punto ng pagbubungkal--I'm still digging the roots of my anger and envy. I don't want to have anger in my heart. I will never allow that. I want to have my peace. And if I am lucky-- it is because I am constantly seeking for peace. Hindi pera o career kundi pagmamahal. Hindi sa kung sino pa man--kundi Diyos.

Kapag nahanap ko na ulit ang kapayapaan sa puso at isip ko--mabuti.

Halika, samahan mo ako paminsan- minsan.

At sa iyo kaibigan, maraming salamat.

I'm Still Alive

It's been a while...again. I'm still alive. It's funny but ever since that "storm" I felt so busy with life. I find other things to do.

A new story is weaving before I could even write about it. And I will write about it. But right now, I have some "clan errands" to do. Got to go!

And oh...I miss you guys! I promise to visit your sites soon!

Bangag

I was preparing my things when I got to look at my hands. My hands are small. But beautiful. They are a picture of experience and strength. And then I got to think..He will never get to appreciate my hands anymore.


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Back to Top