0

I'm With You

There's no need to talk about it. Pero marami akong natutunan, natututunan, at matututunan pa. Tama ngang maganda ang buhay kahit gaano kasakit ang mga nangyayari sa akin.

Sa buhay i natin maiiwasan na iwanan tayo ng mga mahal natin sa buhay--kamatayan, trabaho, nakahanap ng iba, mangyayari't mangyayari dahil kailangang mangyari. Hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit pero alam kong darating ang araw na mauunawaan ko rin.

Minsan kong sinubukan na tumingin sa hinaharap pero sinaraduhan ng Diyos ang bintana ng hinaharap. Hindi ko pa dapat malaman kung anong mangyayari sa akin. At kung iisipin ko--tama nga naman, makabubuting ipaubaya na lamang sa Diyos ang lahat. Pero hindi naman Niya akong iniwang walang pag-asa. Minsan pinapasilay Niya ako sa kagandahan ng buhay ko sa hinaharap--hindi lang minsan, madalas pa nga eh.

Sa pag-iisa ko ngayon, marami akong nalalaman sa sarili ko--kahinaan at kalakasan. Akala ko dati hindi ko kaya ang maaming bagay, pero nagugulat ako na nakakaya ko. Minsan may lumulutang na kalakasan sa buhay ko. Nakakatuwa. At isa ito sa mga dahilan na nagpapangiti sa akin.

Minsan iniisip kong mag-isa lang ako na walang kakampi--pero hindi naman pala. Hindi kailanman nawala ang Diyos sa aking tabi, andyan ang pamilya ko at mga kaibigan ko. At gusto kong magpasalamat sa kanila. Hindi ako mabubuhay ng matino kung wala sila. Sa pag-iisa ko, marami akong nakikitang biyaya sa akin ng Diyos.

Sa ngayon, andito pa ako sa punto ng pagbubungkal--I'm still digging the roots of my anger and envy. I don't want to have anger in my heart. I will never allow that. I want to have my peace. And if I am lucky-- it is because I am constantly seeking for peace. Hindi pera o career kundi pagmamahal. Hindi sa kung sino pa man--kundi Diyos.

Kapag nahanap ko na ulit ang kapayapaan sa puso at isip ko--mabuti.

Halika, samahan mo ako paminsan- minsan.

At sa iyo kaibigan, maraming salamat.

0 comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Back to Top