0

Because I'm A Girl

My title has nothing to do with my entry, but it has something to do with my feelings. Read betweent he "words". Hehe...

The whole July has been very eventful for me and my family. Another month that is full of memories to be cherished by the Titular clan.

09 July

Zoe was christened. I wasn't able to come. But I heard that it has been successful. People from Sapac went there, too.

15 or 16 July

My cousins and I went out. We went bowling and bumping cars. I've written about these before.

22 July

Kristel, Osang, John-John, Athan, Ardee, and I went to Twenty-Eight Four Bar in Lipa. It was my first time to be in a bar (70's Bistro doesn't count because it was required by my subject in college). I ordered iced tea but they forced me to drink an alcoholic drink, which I cannot remember anymore. Pinagbigyan ko sila pero since masakit ang tyan ko, di ko naubos yun.

23 July

We went to Los Banos for a family reunion/swimming. But I had to go to work so I followed them na lang the next day. And maraming nangyari sa swimming. Family dramas. Ako nakibalita na lang. It is always nice to just be an audience in a drama.

That night, Leng, Moneth, and I planned for a party. A surprise party for the Mirandas. We planned for a party to show our appreciation and as a thank-you gift for their kindness and for all the gimmicks and treats. It was only around this time that we were able to have some resources to implement such plan. Dati kase, mga students pa lang kami--no resources and busy with school.

30 July

The date of the surprised party. Everybody was excited and game about it. I came from a night shift and I forced myself to wake up after 2 hours of sleep just to go to Lipa. I went to our store and ate lunch. Then I went to our compound and organized the decoration, music, etc. Although everyone knew what they should do, I guess they needed someone like me na panoxic at mataray para masimulan na talaga ang decoration. At first kase medyo tinatamad pa ang mga tao but after my kaparanoidan ayun naging okay na ang lahat.

Natuwa ako kase sa pagkakabit ng christmas lights and tulda, maraming mga tao ang tumulong and most of them aren't even our relatives. Okay talaga kapag may kapitbahay kang maaasahan. Umuulan nung nilagay namin ang mga tulda pero that didn't stop us from putting it up. Kailangang matuloy ang party.

Sa food naman walang naging problema kase yung mga oldies na yung nag-asikaso sa resources. Manpower sina Daisy and Winnie and sina Lover Boy. Sina Ate Carmi and "family" rin nagluluto sa loob ng bahay nila ng pampulutan.

Nang matapos na ang paglalagay ng tulda, lights, at music, decoration na lang ang kulang. Pero sina Jeng na ang nag-ayos kase sumama ako kay Kuya Dadoy na sumundo kina Paul, John-John, Kuya Ronal, Ate Mylene, Mimi, Zoe, at Osang sa Rob. Ibinaba namin sila sa mga Nanay Metring. Sina Ate Cora, and the rest, di talaga pinapaalis sina Paul at John sa mga Nanay kase baka makapunta sila kina Ate Goyee eh mabibisto nila ang surpresa namin.

Mga 7 ng gabi na yata ng nagstart yung party. The plan was Ate Cora would bring Paul and John sa venue--kina Ate Goyee. Nakapatay ang ilaw, tahimik lahat. At nang andun na sila biglang bubuksan ang ilaw at sisigaw ng SURPRISE!!! Sa tingin ko naman nasurprise sina Paul at John.

Nagstart ang program sa prayer ni Osang. Pinaghandaan ng utol ko yung dasal. Then sumunod ang sayaw ng mga batang babae at lalaki. Choopeta at Chocolate ang mga sinayaw naming lahat. Taghirap sa CDs eh. One week lang naman kase ang preparation namin. I found it hard to dance. I was breathless nga eh. I think I looked like a dork pero okay lang. Masaya ako that night knowing na everything was going okay. Sumunod na sumayaw ang mga lalaki. Totoy Bibo sinayaw nila. After that may games. Balloon race with Otso-Otso. Pagkatapos nun, kumanta si Mary Rose ng "Babae po ako" by Tuesday. Nagulat ang Mommy sa ginawa ni Osang. Bigay todo naka-drugs yata yun. Natuwa at nagalak naman ang mga tao sa napanood nila. Si Nica nga kinakanta na yung kanta ni Osang nung umaga pati buhok gusto ng ipagaya--Jolina syndrome na yan!

After that may mga games ulit. Then may surprise ulit kina Paul at John. Piniringan sila. Then biglang tumugtog yung pang-beerhouse na tugtog. Then may sumayaw-sayaw sa harapan nila. Hinihimas ang mga katawan nila--parang sa pelikula--pero bakla yung gumagawa nun. Trip lang. Nang tanggalin ang piring, may magandang babae na sa harapan nila na kinantahan sila. Si Rochelle yata yung girl. Di na namin pinakilala yung sumayaw sa kanila. But they learned later on kung sino yun.

After that sumayaw ang The Gwapings. Magaling palang sumayaw si Ryan. Pwedeng pang-contest. Another discovery na naman.

May You Mean Everything To Me singing contest. Pataasan ng score sa videoke. Anniversary kase nina Ate Tinay at Kuya Carling. Ang nanalo sina Carlo dahil sa tinis ng boses ni Carlo.

After ng pa-raffle. Kumanta kaming mga kabataan ng "Salamat" by the Dawn. Then si Kuya Dennis nagsalita. Pinuri ang mga kabataan for the success of the party. Then siya rin naginitiate ng sayawan. Okay enjoy pero pagod na ako at puyat kaya after and hour or so natulog na ako.

24 July

May konting drama at aksyon na nangyari nung bandang hapon but it did not get in the way sa lakad naming mga kabataan. Pumunta kami sa Rob Lipa para sana magpapic pero sarado na sila agad so pagkakain namin sa Pizza Hut--kami nina Paul, John-John, Athan, Ardee, Andrew, Francis, Manny, Ryan, Leng, Jeng, Osang, Baby Liza, Moneth, Aicel, at ako, pumunta kami sa The Library Lipa.

0 comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Back to Top