Paano mo nga ba masasabi na nagmamahal ka? Ano nga ba ang sukatan ng pagmamahal? Pagmamahal nga ba ang nararamdaman mo?
Manood ka ng telenovela, tingnan mo ang mga pagsubok na dinadaanan ng dalawang nagmamahalan. Sumusuko ba sila? Hindi. Naghahanap ba sila ng iba? Hindi. Tuloy-tuloy at hindi napuputol.
Pagmamahal nga ba ang ipinakita mo sa akin? Naging totoo man lang ba ito kahit minsan? Bakit ka sumuko? Bakit mo ako iniwan?
Hindi ko akalaing magiging bida na naman ako ng isang telenovela. Hindi ko akalaing mangyayari ito sa akin. Gusto mong magalit ako sa iyo pero hindi ko iyon kayang gawin. Masyado kitang mahal para magalit sa iyo. Ang totoo, galit ako sa sarili ko. Dahil mas minahal kita kesa sa sarili ko. Dahil ikaw ang ginawa kong mundo. Dahil sa mas minahal kita kesa sa dapat kong unahin (at si God ang tinutukoy ko). Sa maniwala ka man o hindi, minahal kita at ibinigay ko sa iyo ang lahat ng sa akin na hindi na ako nagtira ng para sa sarili ko.
Ngunit ito pa ang naging kapalit.
Gusto kong pumayat, gusto kong magpaganda. Pero sabi nga ng isa kong katrabaho na natikman na ang lahat ng uri ng babae at ngayon ay matino na, na wala sa ganda iyan. Kapag nakita mo ang katapat mo, iyon na.
Akala ko ikaw na ang katapat ko. Akala ko ikaw na. Ilang beses kong pinagdasal na sana ikaw na nga. Na sana tayo ang magkatuluyan. Pero naging ganito. Hindi ko ito inaasahan. Pero wala na akong magawa.
Hanggang kelan kita dapat mahalin? Paano kita makakalimutan? Nagmove-on ka at iniwan mo ako pero dinala mo ang puso ko. Ibalik mo sa akin ang puso ko.
Kung tayo, tayo. Sa bandang huli, kahit anong mangyari, tayo pa rin. Kung hindi, sana lang makayanan ko ng mag-move on. Walang lingon-likod, dire-diretso. Yun lang ang paraan para makalimot ako. Pero paano ko ba malalaman? Bakit tayo humantong sa ganito?
Sabi ko sa iyo hindi na ko magbblog kase mahal kita. Pero heto nagbblog ako. Dahil ayoko ng guluhin ka sa email mo. Kung sakaling mabasa mo ito, maganda. Kung hindi...gaya ng pagmamahal na inukol ko para sa iyo, mababalewala lang ito. Mahal pa rin kita.
Pastina Soup (aka Italian Penicillin)
9 hours ago
1 comments:
Best regards from NY!
Camping list need Aug free virus protection Bloomfield coffe makers calculate car loan
Post a Comment