Wala naman akong hiniling para sa sarili ko kundi siya. Pero sa kung ano mang dahilan, ewan ko pero binawi siya sa akin ng Diyos.
Sa bawat araw na dumaraan, napagdadaanan ko. Pero mahirap at kalimitang masakit. Pero ano pa nga bang magagawa ko kundi ang magpatuloy.
Nangyari na ang pinakatatakutan kong mangyari sa akin. God allowed it maybe for a greater purpose.
Iniisip ko nga, kung hindi kami para sa isa't isa bakit hanggang ngayon wala pa rin akong nakikitang iba at wala pang binibigay sa akin ang Diyos na kapalit niya. Pero sa totoo lang, hindi pa rin naman tama ang panahon na makilala ko na siya. Marami pa kase akong dapat matutunan. Kailangang matuto muna ako kung paano magsaing at kung paano magplug ng tv at washing machine. Not unless siya ang magtuturo sa akin...pero hanggat hindi ko pa nasasabi sa sarili ko na buo na ako, I am willing to wait. Pero alam mo, kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon. May espesyal mang nagmamahal sa akin o wala. Nagpapasalamat ako sa mga biyaya ng Diyos sa akin. At sana kung bibigyan Niya ako ulit ng lalaking magmamahal sa akin, sana yung hindi nang-iiwan at hindi nangangaliwa. Sana yung faithful at totoong mahal ako. Pero kung hindi man ako bigyan ng Diyos, ayos lang. Basta alam ko, sa bandang huli panalo pa rin ako.
Have A Holly Jolly Holiday
1 day ago