Tuwing buwan ng Hulyo, palagi na lang nagkakabagyo dito sa Pinas. Kahapon lumusong ako sa baha. Ayaw ko sana eh kaso break time na namin at ang lakas ng ulan. Walang pagkain sa workplace namin. Nagpalit naman ako ng damit, nagtsinelas at lumabas na. Ayun, malakas nga ang ulan kaya umaagos din ang tubig. nabasa ang paa ko! No choice andun na ako. So tumuloy na ako. Kumuha ng pagkain sa dining hall at bumalik sa area namin. Pagkadating na pagkadating ko, naghugas agad ako ng mga paa ko. Mega TIDE at SAFEGUARD pa ha at saka alcohol. Since may sugat ako sa paa dahil sa pagtanggal ko sa ingrown ko (yuck!) napilitan din akong bumili ng Doxin 100 para prophylaxis sa leptospirosis! Awa naman ng Diyos, eto buhay pa ako.
Kaya ngayon, leather shoes ang isinuot ko para hindi agad mababasa ang mga paa ko. At saka bumili na ako ng food para hindi ko na kailangang lumabas para kumain.
Sabi ni Kai hindi raw maview itong site ko sa mozilla...paano ko ba magagawa yun? Tips anyone?
Pastina Soup (aka Italian Penicillin)
9 hours ago
0 comments:
Post a Comment