Nung 4th year college na ako, pinasya kong sumama sa pinsan ko at sa pamilya niya na umupa ng isang apartment sa may Sta. Mesa. Okay naman yung lugar na pinili nila. Tahimik at matiwasay kung ikukumpara sa ibang lugar sa Sta. Mesa. Nung una, wala naman sa isip ko na may kakaiba sa apartment na iyon at saka ang alam ko kase tulog na tulog ang 3rd eye ko. Unang gabi ko dun, mag-isa lang ako kase umuwi sila ng Lipa. Ako lang mag-isa na nagrereview para sa exam ko nun. Wala naman akong naramdaman.
Pero sa paglipas ng mga araw, parang natatakot ako. Siguro duwag lang talaga ako at panay ang takutan namin ng mga anak ng pinsan ko. Malaki kase ang age gap ng pinsan ko sa akin kaya kaedad ko na ang mga anak niya.
Anyway, na-curious ako kung ano bang istorya ng apartment na iyon. Tinanong ko sila at sabi nila, sa unit daw na iyon tumira yung kapatid ng may-ari ng mga apartment. At sa kwarto mismo namin nagpakamatay yung girlfriend nung kapatid nung may-ari nung apartment. Inisip ko, tinatakot lang nila ako.
Until one night, parang madaling araw na iyon eh. Bigla akong nanaginip na may babaeng umupo sa gilid ng kama ko habang nakahiga ako. Inisip ko kung nananaginip ba ako o totoo na iyon. Nagtakip na lang ako ng kumot kase natatakot ako at giniginaw. Pero parang bigla akong nahirapang huminga. Natakot ako pero ang ginawa ko nagdasal na lang ako at maya-maya, okay na ulit. Parang nagising ako.
Kinuwento ko ito sa mga pamangkin ko at syempre takutan na naman. Then one time, yung pamangkin ko namang babae ang nagkwento sa akin na nangyari din daw sa kanya ang nangyari sa akin. Babae din daw na nakaputi. Sa panaginip din niya yun nakita.
Pero ang pinakamatindi, yung sa pamangkin kong lalaki, kase yung babaeng nakaitim yung nakita niya sa panaginip at nakatitig sa kanya--parang galit. Buti na lang ginising siya ng kapatid niya kase sumisigaw na raw sya--nightmare kumbaga.
Kahit natatakot kami, wala naman kaming choice. Tiis lang. Minsan wala kaming nararamdaman, pero minsan, sa tuwing mapapatingin ako sa may kabinet namin, may makikita akong paang naglalakad--pero split second lang yun. O minsan naman, kapag papasok ako sa banyo at kapag isasara ko na yung pinto, mapapatingin ako sa taas ng hagdan--katapat kase ng banyo ang hagdan pataas eh, at bigla akong may makikitang laylayan ng damit nung babaeng nakaputi na papasok na sa kwarto namin.
Hindi lang naman kami ang nagsasabi na may kung ano sa apartment na iyon, yung ibang may 3rd eye talaga, sabi nila, daanan daw iyon ng kung anong creatures sa ibang dimensyon.
Hindi lang yun, isang beses, habang nanonood ako ng sine, biglang may nagext sa akin kung asan na daw ako. Walang pangalan sa phoebook ko, I assumed na yung pamangkin kong babae yun, may usapan kase kaming magkikita sa mall eh. Pero nung nagreply siya sa akin, sabi niya si Kevin daw siya at kung ako raw ba si...nakalimutan ko na yung name na sinabi niya. Then ayun, di kami nagkita nung pamangkin ko. Pinasya ko na lang umuwi na. Pagdating ko sa apartment, sabi ng mga pinsan ko na pupunta raw sila sa burol kung sasama daw ba ako. Namatay na raw kase yung kapitbahay naming bata na pangalan ay Kevin. Naalala ko tuloy yung nagtext sa akin nung araw din na iyon.
Habang naghihintay papunta sa burol, nagkukuwentuhan kami ng mga pinsan ko nang biglang may nakita ako sa labas ng pinto na lalaking nakaputing t-shirt, palabas ng gate, akala ko yung asawa ng pinsan ko iyon. Pero laking gulat ko nung makita kong pababa ng hagdan yung asawa ng pinsan ko. Dali-dali kong sinilip yung gate namin kung may lumabas ba, pero wala naman. Kagaya rin ng iba kong nakikita, mabilis din lang syang nagpakita--split second lang. Sinabi ko sa pamngkin ko yun, at sabi niya, nangyari na rin dawiyon sa kanya, akala rin niya na tatay niya yung nakita niya pero nagulat na lang siya ng makita niya sa loob ng bahay yung tatay niya.
Ayun. Sa awa naman ng Diyos, lumipat na ako ng boarding house kase lumipat na rin ang mga pinsan ko sa ibang apartment malapit din lang dun sa apartment na iyon. Pero habang naglilipat sila sa kabilang apartment, yung pamangkin kong lalaki, habang bitbit niya pababa ng hagdan yung kutson nila, pagtingin niya sa likod, yung babaeng nakaputi bitbit yung dulo ng kutson kaya raw pala biglang gumaan--ewan ko kung nagloloko lang iyon pero parang hindi kase mukhang totoong natakot siya. Eh mapagkunwari pa naman yun, kunwari astig pero sa totoo lang duwag siya.
Happy Halloween!
Pastina Soup (aka Italian Penicillin)
9 hours ago
0 comments:
Post a Comment