0

disappointment

Anong gagawin mo kung may makita ka isang gabi, pag-uwi mo na may binatang nagmamadaling maglakad at biglang lumiko papunta sa may kahuyan. Nagtago. At biglang may sumunod na mga matatanda, babae, lalaki, at isa pang binata. Bigla kang tatanungin kung may nakita kang lalaking dumaan. Kung dumiretso ba? Alam na alam mo kung saan nagpunta ang lalaki pero ang naisagot mo lang ay ,"Hindi ko alam..."
Naiinis ako sa sarili ko.

Pagkamulat

A lot of things happened these past few days. I was able to attend a talk by one of the Kerygma writer, thus he was always with Bo Sanchez, one of the persons I looked up to when it comes to faith. he talked about gender differences.
Men want control.
Women want intimacy.
Men want to be appreciated.
Women want to be cherished.
Yan ang natutunan ko sa kanya. That men and women are different. And we should not try to be like the other but rather we should try to understand each other.
*****
Aaminin ko dito na medyo masama ako at walang awa. Hindi ako naaawa sa mga pasyenteng bumibili sa area namin. Madalas napapahirapan ko pa nga sila kahit di ko naman kagustuhan dahil lamang sa sumusunod ako sa patakaran ng hospital.
Ilang buwan na rin naman akong nagtatrabaho sa hospital na iyon pero nang gabing iyon, namulat ako. Ako ang nasa processing area, meaning ako ang nagsasala kung karapat-dapat nga bang pagbilhan ang reseta...may pirma ba ng doctor, tama ba ang generic sa brand name, available ba ang stock sa amin. Ako rin ang bahala sa pagkwenta ng gamot at sa akin din binabayaran ang bibilhin nila. Dati ko pa ginagawa iyon. Pero nang gabing iyon, may isang masayahing bantay ng pasyenteng lumapit sa akin para bumili ng gamot. Masaya ang tono ng boses niya pero alam kong pilit iyon. Tila nagpapanggap. Pilit tinatakpan ang pangamba niya para sa sarili at para sa mahalniya sa buhay na may sakit. Pinabili ko muna siya sa labas ng mga gamit na hindi available sa amin. Pagbalik niya, kulang na ang pera niya. Nakita ko kung paano siya namroblema kung saan pa kukuha ng pera para pambili ng gamot. Hindi niya tuloy alam kung anong uunahin niyang bilhin. Sabi ko sa kanya, itanong na lang muna niya sa doktor nila kung ano ang mahalaga. At ganun nga ang ginawa niya.
Nang gabing iyon, di lang siya ang may ganoong kaso, marami sila. At ako ang kaawa-awang nakakita sa kanilang kalagyan.
Wala na nga silang pera, nagkasakit pa ang mahal nila sa buhay. Bibili na nga lang ng gamot, pababalik-balikin pa sa amin at sa doktor nila.
Mahirap maging mahirap. Mahirap magkasakit. Lalong mahirap magkasakit kapag ikaw ay mahirap.
PGMA, ano ng gagawin mo? Uunahin mo pa ba ang resort mo sa Boracay? O bibigyan mo ng pansin ang mga kababayan mo. Makapangyarihan ka. Kayang-kaya mong tulungan ang mga nangangailangan. Kaya ka nga nasa ganyang posisyon ngayon. Sana mamulat ka na rin kagaya ko.

Hirit

Hirit No. 1
Lunch time at Puerto del Sol...
Zy: Musta na siya? (referring for the girl he likes)
Me: Ikaw dapat may alam niyan kase lagi mo siyang sinusundan
Zy: Di ko nga makausap eh, parang ang hirap niyang kausapin...
Me: (wala akong masabi)
Zy: Ay pero di siya balbon...yun lang ang masasabi ko...
Me: Gusto mo ng balbon?
Zy: Oo, bakit?
Me: Bili ka ng aso!
Hek! Hek! Hek!

Hirit No. 2

During our shift together, him at the processing area, me at the issuance area, both of us were in the counter...
Ted: Yun naman ang sinasabi ko...(referring to the pretty girls passing by)
Me: Asan?
Ted: Yung nakapink...wala na di mo na nakita, dumaan na.
Me: Akala ko yung nakawhite...maganda ang katawan...sexy!
Ted: Sus, pangit naman yun eh!
Me: Maganda naman ang katawan
Ted: Pangit naman!
Me: Okay lang yun, pag pinatay mo na ang ilaw di mo na alam na pangit siya...
Ted: Oo nga naman...
Hek! Hek! Hek!

0 comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Back to Top